Declaration of Marcos holiday illegal, unacceptable

- Rep. Tinio first noted that Proclamation 310 is inconsistent with our laws as the declaration of a holiday is clearly intended to honor former president and dictator Ferdinand Marcos. Such honor is contrary to Executive Order 201, particularly Section 2, which created the Philippine Commission on Good Government, and Executive Order 2 Regarding the Funds, Money, Assets, Properties Illegally Acquired or Misappropriated by Former President Ferdinand Marcos, Mrs. Imelda Marcos, Their Close Relatives, Business Associates, Dummies and/or Nominees directing the freeze and recovery of the same. He also cited RA 10368, An Act Providing for Reparation and Recognition of Victims of Human Rights Violations during the Marcos Regime, Documentation of Said Violations. “Given those, Mr. Speaker, malinaw sa ilalim ng umiiral na batas ng Pilipinas x x x na kinikilala ang mga kasalanan ni Ferdinand Marcos at maging ng kanyang mga kapamilya x x x. It says here that it is the obligation of the State to acknowledge the sufferings and damages inflicted upon persons, properties and businesses who were forcibly taken over, sequestered or used.”

- “Paano po maja-justify ng Office of the President ang Proclamation 310? Hindi po ba direktang kumokontra ang proklamasyong ito na nagdedeklara ng special holiday sa mga malinaw na mga inilatag natin kanina na mga batas na nagsasabing nagnakaw po si Marcos at ang kanyang pamilya at sinasabing lumabag ng mga karapatang pantao ng ating mga kababayang Pilipino at kaya kailangan pang pagbayaran ang mga ito?

- On the justification of the Office of the President that the holiday is only in Ilocos Norte, he said that laws apply to the entire country, and Ilocos Norte is not exempted from the application of those laws: “Ang sinasabi po ng mga batas na binaggit natin ay itinuturing na nagnakaw ng pambansang yaman si Marcos. Itinuturing na human rights violator si Marcos. Kaya kailangan ng compensation at kinikilala ng estado ang kanyang obligasyon sa mga biktima. Ibig sabihin, sa buong sambayanan, partikular yung mga biktima ng mga HRVs at yung mga indibidwal at negosyo na napinsala dahil sa pandarambong na ginawa ni Marcos, ng kanyang pamilya at ng kanyang mga crony.”

- “Bukod dun sa mga particular na biktima, halimbawa biktima ng torture o mga pamilya ng mga EJKs, may moral obligation po na sinasabi ang batas, at talagang tahasang paglapastangan po sa mga biktimang ito at sa buong sambayanang Pilipino ang pagdeklara ng isang special holiday sa araw na ito. Kaya sa pagtingin po natin, ay hindi katanggap-tanggap ang pagkakaisyu ng proklamasyong ito mula sa Office of the President.”

Transcription:
“Malinaw po na ang opisina ng pangulo, o ang pangulo mismo bilang chief executive ang pangunahing tungkulin ay ang pagpapatupad ng Constitution at ng lahat ng batas ng ating bansa. Kaya po ang katanungan ko ay may kinalaman sa proclamation 310, declaring Monday, September 11, 2017 as a special non-working holiday in the province of ilocos norte. Ito po ay maglagda ni Salvador Medialdea, executive secretary by authority of the President, Rodrigo Roa Duterte. At ang sinasabi dito [reads proclamation 310]. So malinaw po ang batayan ng declaration ng special non-working holiday sa probinsya ng ilocos norte para bigyan ng parangal si dating pangulong marcos. Ang tanong ko po ay ito po ba ay consistent sa mga umiiral na mga batas ng Pilipinas? I would like to mention first of all, executive order 201 particular ang malinaw po sa section 2 nito na tungkulin ng commission on good government ang una [reads section 2 of EO 201 creating PCGG] at ang executive order 2 po regarding the funds, money, assets, properties illegally acquired or misappropriated by former president Ferdinand Marcos, Mrs. Imelda Marcos, their close relatives, business associates, dummies and or nominees… ito po ay executive order freezing the assets of the Marcos Family [reads executive order 2]. We also have RA 10368, this is the act providing compensation for victims of Marcos human rights violations. The title reading [reads title of law], and in section 2, declaration of policy [reads section 2 of RA 10638].
“Given those, Mr. Speaker, malinaw sa ilalim ng umiiral na batas ng PIlipinas, sa batas natin na kinikilala ang mga kasalanan ni Ferdinand Marcos at maging ng kanyang mga kapamilya at sinabi nga rito na malinaw na isang obligasyon, it says here that it is the obligation of the state acknowledge the sufferings and damages inflicted upon persons, properties and businesses who were forcibly taken over, sequestered or used. Napakalinaw po ng state policy. Bahagi ng batas. Paano po majujustify ng Office of the President ang proclamation 310. Hindi po ba direktang kumokontra ang proclamasyong ito na nagdedeklara ng special holiday sa mga malinaw na mga inilatag natin kanina na mga batas na nagsasabing nagnakaw po si Marcos at ang kanyang pamilya at sinasabing lumabag ng mga karapatang pantao ng ating mga kababayang Pilipino at kaya kailangan pang pagbayaran ang mga ito. So iyon mr. speaker. What is the rationale or possible justification and how can this be consistent with existing policies and laws?”
[Response of sponsor Rep. Nograles: Holiday is just in Ilocos Norte]
“Well, yes, sa Ilocos Norte lamang po ang bisa ng proklamasyong ito at sinasabi rito na may pagkilala na kahit walang proklamasyon na ganito ay meron daw, diumano na celebration na nagaganap sa ilocos norte kapag birthday, sa araw ng birthday ni Ferdinand Marcos. Pero iba po yung merong mga nagkukusa na mga pribadong mamamayan para mag celebrate, that is their right. Iba rin po kapag ang pambansang gubyerno at ang pangulo mismo ng Pilipinas ang nagdeklara nito bilang holiday. Kaya sa palagay ko po, malinaw na kumokontra sa diwa at maging sa letra ng mga batas na ating binaggit, EO 201, EO 2 at saka yung RA 10368. Pangalawa, hindi po ba malinaw na ang batas ay umiiral sa buong pilipinas? In other words, hindi po exempted ang probinsya ng ilocos norte sa pag iral ng mga batas na ating binabanggit. Ang sinasabi po ng mga batas na binaggit natin ay itinuturing na nagnakaw ng pambansang yaman si Marcos. Itinuturing na human rights violator si Marcos. Kaya kailangan ng compensation at kinikilala ng estado ang kanyang obligasyon sa mga biktima. Ibig sabihin, sa buong sambayanan, particular yung mga biktima ng mga HRVs at yung mga indibidwal at negosyo na napinsala dahil sa pandarambong na ginawa ni Marcos, ng kanyang pamilya at ng kanyang mga crony. Hidni po natin matanggap ang pagkaka isyu ng proklamasyong ito dahil malinaw na kumokontra sa umiiral na patakarang pambansa at bukas po ba ang OP na bawiin ang proklamasyong ito?”
[Response of sponsor: We cannot. Already half of the day and this is just “one time” since it is the 100th birthday.]
“Well Mr. Speaker, alam ko na lagpas na po ng tanghali pero hindi natin tinatanggap na too late na para bawiin ang proklamasyon na ito. Ang usapin po rito ay ang historical record at ang nagpapatuloy na obligasyon ng estado. Hindi lang para sa actual reparation or actual recovery of ill-gotten wealth kung hindi yung moral obligation sa mga biktima. At mga biktima rito ay ang buong sambayanang Pilipino. Bukod dun sa mga particular na biktima, halimbawa biktima ng torture o mga pamilya ng mga EJKs, may moral obligation po na sinasabi ang batas, at talagang tahasang paglapastangan po sa mga biktimang ito at sa buong sambayanang Pilipino ang pagdeklara ng isang special holiday sa araw na ito. Kaya sa pagtingin po natin, ay hindi katanggap-tanggap ang pagkakaisyu ng proklamasyong ito mula sa Office of the President.
“Pero nabanggit niyo po na nagpapatuloy naman daw ang pagpapatupad ng mga batas na binaggit natin kaugnay sa pagbawi ng ill-gotten wealth. Ngayon, nais ko pong tanungin hinggil sa status ng nabalitang usapan sa pagitan ni Pangulong Duterte o ng kanyang opisina at ng pamilyang Marcos hinggil sa posibleng settlement ng mga claims ng estado para sa ill-gotten wealth. Meron nga po bang mga usapan na naganap o nagaganap sa pagitan ng pangulo o ng kanyang opisina at sa pamilyang Marcos hinggil sa pagbabalik, di umano, ng bahagi ng ill-gotten wealth na nasa kamay ng mga Marcos?”
[Response of sponsor: No such agreements.]
“Kung gayon, ano po yung binabanggit ni Pangulong Duterte nitong mga nakaraang araw na meron daw ‘The Marcos family is willing to return a few gold bars to the government’. Ano po iyon? Gawa-gawa lang po ba ni pangulong Duterte ang mga kwentong yon?”
[Response of sponsor: No such agreements.]
“May nabanggit nga po si Pangulong Duterte at kung sakali raw ay willing ibalik ng mga Marcos ang hawak nilang ill-gotten wealth, ngunit kailangan nga po ng tulong ng kongreso upang maituloy ito. Ano po ang ibig sabihin ng pangulo doon? Ano ang kailangan gawin ng kongreso? Bakit isinasangkot ni Pangulong Duterte ang kongreso sa posibilidad ng pagbabalik ng ninakaw na yaman?”
[Response of sponsor]
“Sa madaling sabi, ang binabanggit ni pangulo ay kailangan ang kongreso dahil nga merong mga umiiral na mga batas gaya nung mga binaggit natin, EO 1, EO 2, na bagaman mga EO ito ay inissue po ito ng dating pangulong Corazon Aquino sa ilalim ng isang revolutionary government kaya may bisa ito ng batas. Tama po ba na to be specific na ang tinutukoy ng pangulo ay ang kailangang tulong ng kongreso ay para amiyendahan ang mga batas na ito?”
[Response of sponsor]
“Nais ko lamang pong banggitin for the record na ang kinatawan pong ito ay tutol sa anumang tangka na baguhin ang batas at bigyan ng immunity ang pamilyang Marcos para sa mga kayamanang kanilang ninakaw at kasalukuyang kinikilala ng batas na kanilang ninakaw.”